Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino

Philippine Journals Online

View Archive Info
 
 
Field Value
 
Title Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino
 
Creator Napoleon M Mabaquiao Jr.; Pamantasang De La Salle-Maynila, Pilipinas
 
Subject Social Science

 
Description Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba.t ibang lipunan o bayan ay kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon, tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang mga kultura o pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay. Isinusulong sa papel na ito ang isang posibleng kasagutan sa hamong ito: ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan. Ang kasagutang ito ay bunga ng isang pilosopikal na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na nagbibigay ng identidad sa kamalayan sa pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano maitataguyod ang pambansang identidad ng kamalayan hango sa mga bagay. Ang mga pundamental na bagay na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: ang mga bagay kung saan nakatuon ang kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamalayan, ang mga pamamaraan (mga kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar at panahon) sa kaganapan ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa sa papel na ito sa konteksto ng pagtataguyod ng kamalayang Pilipino o ng identidad ng ating kamalayan bilang mga Pilipino.
 
Publisher De La Salle University-Manila
 
Contributor
 
Date 2008-07-17
 
Type
 
Format application/pdf
 
Identifier http://www.philjol.info/index.php/MALAY/article/view/392
 
Source Malay; Vol 19, No 3 (2007); 79-93
 
Language en
 
Coverage Philippines